Disenyong Bulaklak
Payak na pamumuhay, pangarap na mataas. Yan ang meron si Norma. Pangatlo sa magkakapatid na naninirahan sa bataan. Maitim ang buhok na halos sumasayad na sa kanyang pigi, mahaba ang pilikmata, balingkinitan ang katawan at masayahing dalaga. Kuntento na sa estadong nakalakhan at walang paghihinagpis sa mundong kinagisnan. Labis ang galak subalit may kaakibat na lungkot ang dalaga nang makatanggap ng mensahe galing sa kanyang tiya. Sa maynila na sya mag aaral ng kolehiyo. "Ngunit, paano kayo? malalayo ako, kung ganito lamang ang batayan ng edukasyon ay mas gugustuhin ko pang maghirap kasama kay-". "Edukasyon. Edukasyon lang ang mapamamana namin sayo anak", ani ng ama nyang buwis buhay sa pag ubo na tila hinahanap pa ang karangyaang makukuha sa palayan. Katagang hindi na natapos ng dalaga sapagkat minadali na sya ng sasakyang papuntang maynila. "Mag iingat ka anak" sambit ng ina nyang panay hawak sa likod ng asawa sabay bigay ng panyong may bulaklak ...