Tao tayo, hindi ba? (Talumpati)
Tayo ay tao tulad ng sinumang iba pa. Ang iba ay maaari tayong ipahiya dahil sa ating sekswalidad, ngunit kung iisipin, naglalakad tayo sa parehong mundo, humihinga tayo ng parehong hangin, ginagawa natin ang parehong bagay na ginagawa ng iba sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Tayo ay tao, tulad nila, at kahit na ano ang maaaring sabihin ng ilan, huwag mong hayaan ang iyong sarili na kalimutan yon.
Hindi tayo nakahihigit sa iba at walang ibang nakahihigit sa atin. Nararapat lamang na tayo ay pantay pantay dahil iisa ang lahi ng tao. Ang lahat ay naiiba sa hitsura, pagkatao, talento, boses, saloobin, at iba pa. Natuto tayong tanggapin ang mga ito at sa ating pagkakaiba-iba sa kulay ng balat, ngayon matututo tayong tanggapin ang mga tao para sa kanilang sekswalidad.
Kamakailan lamang, nakamit ng LGBTQ+ ang karapatang maging bukas tungkol sa kanilang sekswalidad. Ang mga paaralan sa lahat ng dako ay nagpapatupad ng mga patakaran upang mapanatiling ligtas ang mga bata na parte ng LGBT mula sa hindi patas na pagtrato. Maging ang media ngayon ay naghahayag ng palabas, pelikula, at mga kanta para sa lipunang ito sa positibong pamamaraan. Ang ilang mga estado at bansa ay pinapayagan ang parehong kasarian na maging mag-asawa at ang umampon ng bata. Tayo ay may isang maayos na panimula ng pag unawa, at naniniwala ako na isang araw, magkakaroon ang lipunan ng LGBTQ ng nararapat na pagtanggap sa buong mundo.
Ang ilan ay maaaring magsabi na ang pagiging bakla ay hindi likas. Sa mundong ito, ano nga ba ang likas? Ang ilan ay nagsasabing ito ay laban sa Diyos; Mahal niya ang lahat ng kanyang mga anak maliban sa kanila. Nasaan ang lohika dito? Kung minamahal ng Diyos ang lahat ng kanyang mga anak kahit pa makagawa sila ng pagkakamali, iisipin mo pa bang hindi niya tatanggapin at mamahalin ang isang tao dahil sa kanyang sekswalidad?
Huwag kalimutan na sila ay tao. Hindi sila isang bagay o hayop. Tao sila, ngumingiti, umiiyak, tumatawa, nagtatago, at nagmamahal sila.
Ang huling gusto kong ihayag sa lahat ay 'salamat'. Salamat sa pagbibigay ng pag-asa para sa ating mga kapatid na parte LGBT. Salamat sa pagsama at paniniwala tuwing sila ay nanliliit. Salamat sa inyong pakikipaglaban at pagtanggap para sa pantay pantay na karapatan.
Comments
Post a Comment