Bakit Ako Nagsusulat?
Bakit ako nagsusulat?
Bakit nga ba ako nagsusulat? Para ba sabihin ang pakiramdam ko, mga damdamin at mga pinaglalaban ko? O para lang talaga marinig ako? Ilang beses na pagtatanong, ilang beses ring hindi nabibigyan ng sagot. Bakit nga ba paulit-ulit na sumisigaw ang mga tao na parang isang imoral na mamamayan na walang ibang ginawa kundi ang "manggulo", "maging epal", at "magpapansin"? Dahil ba wala silang magawa sa mga buhay nila? O para sakaling marinig sila ng mga taong nagbibingi-bingihan sa mga sinasabi nila?
Isa ako sa mga taong nais marinig ng iba na hindi nakikita o naririnig ang tunay kong sinisigaw. Pinaparinig ko ng mahina ang aking mga tinig na tila ba'y lumalaban pa rin kahit na ano pang sabihin ng iba. Kapag ako'y nagsusulat, wala akong ibang sinusulat at ginagawan ng kwento kundi ang mga bagay na nararamdaman ko. Hindi ako nagpapapigil sa mga katanungan gaya ng paano kung anong ang mga makababasa nito ay hindi matuwa sa kanilang mababasa? Dahil kapag ako'y nagsusulat, iniisip ko lamang ang aking mga naiisip, iniisip at maiisip? Malaking regalo para sa isang tao, para sa isang bata ang kakayahang makapagsulat. Dahil dito, aming masasabi ang aming mga nadarama at aming mga ipinaglalaban.
Kaya bakit nga ba ako ulit nagsusulat? Nagsusulat ako para ipahayag sa lahat na ako'y malaya. Malaya akong ipahiwatig ang lahat ng aking mga nadarama at naiisip. Nagsusulat ako hindi lamang para saakin, kundi para sa nakararami. Lahat ay may karapatang magsulat, ang tanging katanungan lamang ay, nagagamit mo ba ito?
Comments
Post a Comment