TEKNOLOHIYA; Sawang likas kung magpalit-anyo
Sunod sunod ang pagsulpot ng umaarangkadang teknolohiya sa panahon ngayon. At hindi maikakailang lunod na ang tao sa lalim ng naabot ng gadgets at lumalipad na ang mga kabataang tila namamangha sa alapaap ng modernisasyon.
Ito ang pinakamabisang paraan upang mas mapadali ang proyektong gagawin o gagawin pa lang. Sa pamamagitan din nito ay mas napadadali ang pagdaloy ng kaalaman at ang pagdiskubre ng naiisyung balita sa kasalukuyan.
Bilang mag aaral, malaki ang ambag nito sa edukasyon, lalot higit sa pagpapakalat ng kaalaman hindi lang sa asya, kundi sa buong mundo. Nagkakaroon ng ideya ang lahat ukol sa panganib, sa uso, o maging sa mga pagbabago sa daigdig.
Sa pamamagitan kasi ng pagkilala dito ng mas maaga ay mas nagiging epektibo ang komunikasyon mo sa ibang tao. Halimbawa, sa pakikipag usap, hindi mo nakailangan magpadala ng sulat sa telegrama upang maipaabot ang iyong nais sabihin, sapagkat isang "click" lamang sa mga aplikasyon na bunga ng teknolohiya'y aabot lamang sa ilang segundo ang paghatid ng balita.
Sa kabilang banda ayon sa mga eksperto, marami ding kabataan ang nalulong ukol sa isyong ito. Karamihan kasi sa nasampal ng modernisasyon at kabagutan ay mas tinangkilik ang maimpluwensyahan sa pornograpiya, ka-adikan sa mobile games, at halos bugbog saradong matang nakikiusap na ng pahinga. Ilan sa mga nababalita ay nagiging sanhi ito ng kawalang gana sa ginagawa, kahinaan sa sarili, sakit, at minsan pa'y kamatayan. Hindi maibabaling sa teknolohiya ang kasisihan sapagkat tayong tao mismo ang gumagawa ng ikapapahamak natin. Teknolohiya ang dapat na kinokontrol, hindi ito pa ang kumokontrol sa tao. Gayunpaman, ang positibo at negatibong epekto nito ay nakatatak na sa bawat indibidwal, tanging pagtatanto sa wastong paggamit ang dapat na gawin upang hindi maabuso at hindi makaabuso sa natatamasang henerasyon natin sa kasalukuya. Tandaan, huwag magpatuklaw sa teknolohiyang likas kung magpalit-anyo.

Comments
Post a Comment