Posts

Disenyong Bulaklak

Image
Payak na pamumuhay, pangarap na mataas. Yan ang meron si Norma. Pangatlo sa magkakapatid na naninirahan sa bataan. Maitim ang buhok na halos sumasayad na sa kanyang pigi, mahaba ang pilikmata, balingkinitan ang katawan at masayahing dalaga. Kuntento na sa estadong nakalakhan at walang paghihinagpis sa mundong kinagisnan. Labis ang galak subalit may kaakibat na lungkot ang dalaga nang makatanggap ng mensahe galing sa kanyang tiya. Sa maynila na sya mag aaral ng kolehiyo. "Ngunit, paano kayo? malalayo ako, kung ganito lamang ang batayan ng edukasyon ay mas gugustuhin ko pang maghirap kasama kay-". "Edukasyon. Edukasyon lang ang mapamamana namin sayo anak", ani ng ama nyang buwis buhay sa pag ubo na tila hinahanap pa ang karangyaang makukuha sa palayan. Katagang hindi na natapos ng dalaga sapagkat minadali na sya ng sasakyang papuntang maynila. "Mag iingat ka anak" sambit ng ina nyang panay hawak sa likod ng asawa sabay bigay ng panyong may bulaklak ...

Ating Sariling Karanasan

Ang dahilan ng bawat karanasan ay hindi lang para may maalala ka kundi para may mapulot at matutunang panibagong aral. Hindi lahat ng ating ginagawa ay tama, wala namang taong hindi nagkaka mali at sa bawat pagkakamali, dun tayo nakakapulot ng aral na ating magagamit sa ating pananatili sa mundong ibabaw. Katulad na lamang ng sinasabi ng mga maimpluwensyang tao, kung hindi ka magkakamali, hindi ka magtatagumpay. Isang magandang halimbawa nito ay, sa unang beses masubukang magsaing ng isang tao, kadalasan kulang o sobra sa tubig, di kaya’y sunog. Matapos niyang matutunan ang pagkakamali niyang nagawa sa simpleng pagsasaing, sa susunod, alam na niya kung gaano karami ang kanyang ilalagay na tubig. Iniisip ng ilang mga tao na ang pinakamaganda na paraan upang matuto sa buhay ay sa pamamagitan ng pakikinig sa mga matatanda at kaibigan, naniniwala ako na ang mga tao ay mas natututo sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Sa pamamagitan ng ating sariling mga karanasan ay mas matagal at n...

Panunuring Papel sa Pelikulang Metro Manila

Image
Ang Metro Manila ay tungkol sa magsasaka na si Oscar Ramirez, siya'y nakatira sa Banaue Province kasama ang kaniyang asawa na si Mai at ang kanilang dalawang anak. Simula nang wala na silang makuhang sapat na pera sapagkat ang kanilang palay ay hindi na kumikita ay napagdesisyunan nilang makipag-sapalaran sa Maynila. Sa kanilang isip ay tingin nila mas makahahanap sila ng mas maayos at mayroong mas mataas na kita sa Maynila. Ngunit pagdating na pagdating nila doon ay agad silang naloko ng isang taong nagpanggap na nagpapa-upa ng bahay at binigay nila ang lahat ng kanilang pera para doon, ngunit sa paglipas lamang ng oras ay sila ay biglaang pinapalayas na ng isang pulis sapagkat may pamilya nang nakalaan na tumira sa tahanang iyon. Dahil doon ay naghanap sila ng matutuluyan at sila'y nakahanap sa Tondo. Habang naghahanap si Oscar ng trabaho ay may nakapansin sa kaniyang tatu na galing sa kaniyang pagiging militar at dahil doon ay tinulungan siyang makapasok sa trabaho ni Ong,...

TEKNOLOHIYA; Sawang likas kung magpalit-anyo

Image
Sunod sunod ang pagsulpot ng umaarangkadang teknolohiya sa panahon ngayon. At hindi maikakailang lunod na ang tao sa lalim ng naabot ng gadgets at lumalipad na ang mga kabataang tila namamangha sa alapaap ng modernisasyon. Ito ang pinakamabisang paraan upang mas mapadali ang proyektong gagawin o gagawin pa lang. Sa pamamagitan din nito ay mas napadadali ang pagdaloy ng kaalaman at ang pagdiskubre ng naiisyung balita sa kasalukuyan. Bilang mag aaral, malaki ang ambag nito sa edukasyon, lalot higit sa pagpapakalat ng kaalaman hindi lang sa asya, kundi sa buong mundo. Nagkakaroon ng ideya ang lahat ukol sa panganib, sa uso, o maging sa mga pagbabago sa daigdig. Sa pamamagitan kasi ng pagkilala dito ng mas maaga ay mas nagiging epektibo ang komunikasyon mo sa ibang tao. Halimbawa, sa pakikipag usap, hindi mo nakailangan magpadala ng sulat sa telegrama upang maipaabot ang iyong nais sabihin, sapagkat isang "click" lamang sa mga aplikasyon na bunga ng teknolohiya'y aabot...

Tao tayo, hindi ba? (Talumpati)

Image
Tayo ay tao tulad ng sinumang iba pa. Ang iba ay maaari tayong ipahiya dahil sa ating sekswalidad, ngunit kung iisipin, naglalakad tayo sa parehong mundo, humihinga tayo ng parehong hangin, ginagawa natin ang parehong bagay na ginagawa ng iba sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Tayo ay tao, tulad nila, at kahit na ano ang maaaring sabihin ng ilan, huwag mong hayaan ang iyong sarili na kalimutan yon. Hindi tayo nakahihigit sa iba at walang ibang nakahihigit sa atin. Nararapat lamang na tayo ay pantay pantay dahil iisa ang lahi ng tao. Ang lahat ay naiiba sa hitsura, pagkatao, talento, boses, saloobin, at iba pa. Natuto tayong tanggapin ang mga ito at sa ating pagkakaiba-iba sa kulay ng balat, ngayon matututo tayong tanggapin ang mga tao para sa kanilang sekswalidad. Kamakailan lamang, nakamit ng LGBTQ+ ang karapatang maging bukas tungkol sa kanilang sekswalidad. Ang mga paaralan sa lahat ng dako ay nagpapatupad ng mga patakaran upang mapanatiling ligtas ang mga bata na parte ng...

Bakit Ako Nagsusulat?

Image
Bakit ako nagsusulat? Bakit nga ba ako nagsusulat? Para ba sabihin ang pakiramdam ko, mga damdamin at mga pinaglalaban ko? O para lang talaga marinig ako? Ilang beses na pagtatanong, ilang beses ring hindi nabibigyan ng sagot. Bakit nga ba paulit-ulit na sumisigaw ang mga tao na parang isang imoral na mamamayan na walang ibang ginawa kundi ang "manggulo", "maging epal", at "magpapansin"? Dahil ba wala silang magawa sa mga buhay nila? O para sakaling marinig sila ng mga taong nagbibingi-bingihan sa mga sinasabi nila? Isa ako sa mga taong nais marinig ng iba na hindi nakikita o naririnig ang tunay kong sinisigaw. Pinaparinig ko ng mahina ang aking mga tinig na tila ba'y lumalaban pa rin kahit na ano pang sabihin ng iba. Kapag ako'y nagsusulat, wala akong ibang sinusulat at ginagawan ng kwento kundi ang mga bagay na nararamdaman ko. Hindi ako nagpapapigil sa mga katanungan gaya ng paano kung anong ang mga makababasa nito ay hindi matuwa sa kanilang...